Baby Gap lahat. Sabi nung nagtitinda, sa Cavite daw ata yung factory (pero she did not sound so sure) tapos for export. All items 100 to 200 ang price. Kung ano yung price, yun na, wala ng tawad. Funny, pero feeling ko better pa rin yung may tawad kahit 10 or 20 pesos lang...yun ang fun sa bazaar di ba, yung feeling mo na nakamura ka talaga dahil may tawad.
For those interested, you can still visit the bazaar, until Friday pa sila dun. Actually, every payday week e may Bazaar dun, di ko lang sure kung laging andun yun nagtitinda ng baby clothes.
I also bought clothes dun sa Bel-air (48 Zodiac St.). Mga precious minds, baby of mine, carter, etc...na mga pang new born to 18 months naman ang meron sila. I was able to buy pangtulog na terno. I think the price is more affordable than mall price. Kasi I got the terno for 140 lang. Sayang, I left the items dun sa car ng friend ko. Post ko na lang ang pictures pag nakuha ko na. Buti pa dun may tawad sa overall price nung binili ko :)
May side kwento pala yun. Ang sungit kasi nung manang na nagbabantay, as in! Buti na lang may isang manang na pumalit, yun mas friendly na. May kasabay ako na bumibili din, as in nagtatawanan na lang kami kasi nga ang sungit nung unang manang, tapos ayaw na nyang magtanong dun sa manang kasi parang galit pag sumagot.
Di naman obvious na excited na ako na bihisan ang baby ko...hahaha.
No comments:
Post a Comment