I have 2 house helpers, 1 takes care of my babies, while the other one does most of the housework.
Ang problema kay yaya, masyado syang mabarkada, para syang president ng mga yayas sa condo namin if ever may samahan sila. Aside from that, meron syang boyfriend sa maintenance ng condo namin. Ayaw ko naman syang bawalang makipag relasyon dahil feeling ko naman e karapatan nya yun bilang isang indibidwal na tao. My problem lang is dahil sa dalawang nabanggit ko e, may times na napapabayaan nya mga anak ko, mostly yung bunso. Di na kasi masyadong alagain ang panganay ko so nakatutok talaga sya dun sa bunso (2 yrs old).
Yung isa naman who does the housework e masyadong makakalimutin and di ganun ka ok ang work nya. Ilang damit na namin ang namantsahan dahil sa paglalaba nya. and di rin sya marunong mag plansta. Pero in terms of ugali, mas madali itong pagsabihan.
Ngayon, what we did e dinala muna namin sa province si helper 2. Stay muna sya sa parents ko para mas matuto sa gawaing bahay. And then kumuha kami ng another one from the agency.
It's our first time to get househelp sa agency and we're really reluctant. It just to happen na ex-officemate ko ang may ari ng agency kay medyo lumakas loob namin to get one. Kahapon namin sya mineet. So it was her first night sa amin kagabi. I hope and pray na okay naman sya, in terms of taking care of our babies and housework. I want to see how she'll handle my babies. Since, I'm giving birth soon, I want someone na marunong talagang mag alaga ng new born. According to her, may inalagaan na sya na 1 month old baby hanggang 2 years old yung baby, kaso di daw sya na increasan ng salary kaya umalis.
I really hope na makakita kami ng someone na maayos and tatagal.