Yaya number 1
Nagpaalam sya sa amin mga mid October. Aalis na sya dahil pinapag asawa na sya ng mama nya to a man she barely know (she actually has a boyfriend). According to her mom, matanda na sya. To think na she's only 20 years old. Magpakatino daw sya...haller!!! Di pa ba sya matino e ang ayos nga nyang nagtra-trabaho sa amin...compared to her kuya na jobless. She's not even enjoying her salary dahil bago pa sya mag sweldo, most of the time e pumupunta na sa amin (my parent's place) yung mama nya to get advance salary.
Ang sabi nya nung una e until October 29 (Thursday) na lang sya..pero na convince namin sya na sabay sabay na kaming umuwi ng Pampanga ng Saturday, so pumayag naman sya..pero nung malapit na ang Oct. 29, she told us na tumawag daw ang nanay nya and pinpawui na sya ng Thursday. So wala naman akong nagawa. Hinatid na lang namin sya sa sakayan.
Last Saturday, nakausap ko ang papa ko. Pumunta daw sa amin yung nanay nya dahil hindi umuwi ang anak nya. Hay, sabi ko na lang sa papa ko, walang ibang dapat sisihin kung hindi yung nanay na nagpilit na magpakasal ang anak nya sa guy na di naman nya gusto. I wonder why merong mga nanay na ganun. I tried to call her pero can't be reached na number nya. I hope she's okay and maisip nya na pumunta na lang uli sa amin kung ayaw nya talagang magpakasal.
Yaya number 2
Nakakainis itong isang ito. umuwi sya Oct. 31, babalik daw sya next day (Nov. 1). Nung gabi na ng Nov. 1, naka receive ako ng text from her na di na raw sya babalik dahil nanganak yung ate nya and nahihirapan nanay nya sa pag alaga sa ate nya...haller! mga ilang linggo ng nanganak ang ate nya...and bakit naman biglaan! Ang hirap naman ng ganun, wala man lang pasabi na aalis na sya...kahit man lang at least 2 weeks sana na nag stay muna sya, para may mahanap kami na kapalit nya. To think na alam naman nya na kakaalis ng kasama nyang isa.
Ang hirap na talagang makahanap ng yaya na tatagal. Actually wala akong problem kay yaya number 1, yung nanay lang talaga nya ang problema. As in 3 years na sya sa amin and i can really trust her na. Oh well, sana we can find replacements na. Asa province tuloy babies ko dahil wala silang yaya dito. I'm just thankful dahil andyan pa ang mama ko to take care of my kids pag walang yayas.